Napagusapan lang namin ng mga friends ko isang araw tungkol sa relasyon and apparently ang FB eh nagiging rason din pala para gamitin ang English powers mo sa pakikipag-away. Lalo na mga babae, nakow ang gagaling mag-eenglish kapag nakikipag-argumento sayo. May pa "no wonder no wonder" pa tapos may nalalaman pang linya na "It's not a fact, it's your opinion". Eh ako, nauutal-utal lang kapag may "argument". wow english yun.
Isa siguro na pwede kang magkaroon ng rason ng pagseselos sa FB eh yung button na "poke". Ang alam ko kasi ginagamit din ito na pang "flirt"?(ahihi i love the word) pero hindi ko pa kasi nasusubukan yung poke button. No poke since birth to! parang ang sagwa nung pagkakasabi ko pero masubukan nga mamaya baka sakaling may kumagat. Pero di ko alam kung makakarelate kayo dito.
Malamang yung nanay mo naka-add sayo sa FB. Ako rin eh.
Pero isa pa siguro sa pinagmumulan ng gulo sa relasyon eh yung "tagging" ng mga pictures. Kaya boys ingat sa mga pinupuntahan at yung mga sinasama sa mga pinupuntahan.
0 comments:
Post a Comment