Animated Gab

Your Ad Here

Tuesday, September 28, 2010

CHARADE


Isang linggo na akong may sakit at maya't maya siguro oras nanaman para magpunta ako sa paborito kong pasyalan, ang ospital. Sa kung anumang lagay ko ngayon hindi ko na isasalaysay, dahil ok naman ako, pero isa sa mga problema ko ngayon eh ang boses ko. Parang lalakeng teenager na dumaan sa puberty ng anim na beses o kaya taong nasobrahan sa kakasigaw ng darna!





Sa kabuuan hindi na talaga ako makapagsalita't nawala na ng tuluyan ang aking boses. So hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin ng klaro sa doktor kung ano man ang masakit sa akin. Naisip ko gumamit kaya ako ng sign language? O kaya hindi nalang "charade" para mas enjoy.















Ganyan lang kapag nilalagnat, nahihibang at kung ano ano naiisip. Well siguro kulang lang ako sa lambing.

Tuesday, September 21, 2010

MACHO DANCER






So me and my friends are having what you call "tsismisan" a couple of weeks ago over a cup of cofee... Maryosep to the nth power! Nosebleed ang english! Ngayon ko lang alam isa pala sa mga cause ng "Anemia" eh excessive use of english words. 

Hindi ko na matandaan kung kailan, saan at kung "over a cup of kopiko" ba yun o "over a bottle of red horse" pero yung punto nang usapan namin eh napunta sa love life. Tentenenen! Ewan ko ba kung bakit yung emotional stability ng mga friends ko noon nasa rurok to the highest level ever. Ako lang ata ang emotionally unprepared sa mga usapang ganyan. Bitter no, ampalaya powers. Eh di share share ng usaping puso hanggang napunta sa "No Boylet Policy". Apparently dalawa sa mga babaeng kaibigan ko never been in love. At sa pagkakatanda ko isa sa mga kaibigan kong yun eh may nasabi ako na if ever na ikasal siya, hindi ko din alam kung bakit o paano ko nasabi yun, magsasayaw ako ng macho dance sa bridal shower niya. So naimagine ko lang naman kung ano ang magiging itsura ko kung naging macho dancer ako na parang Dennis Trillo ang dating.


Pero sabi ko nga sa kaibigan kong yun, huwag ka lang mag-asawa ng mga bandang 40's  kasi mahirap nang gumiling-giling kapag nirarayuma na ako. 


So hindi ko naman inaalis talaga sa isip ko na pwedeng mangyari eto at magkaroon ako ng sudden career change kaya nagsesearch din talaga ako sa google. To prepare myself in an ever changing world, versatility is the key. 


Sunday, September 19, 2010

AWAY FACEBOOK






Napagusapan lang namin ng mga friends ko isang araw tungkol sa relasyon and apparently ang FB eh nagiging rason din pala para gamitin ang English powers mo sa pakikipag-away. Lalo na mga babae, nakow ang gagaling mag-eenglish kapag nakikipag-argumento sayo. May pa "no wonder no wonder" pa tapos may nalalaman pang linya na "It's not a fact, it's your opinion".  Eh ako, nauutal-utal lang kapag may "argument". wow english yun.

Isa siguro na pwede kang magkaroon ng rason ng pagseselos sa FB eh yung button na "poke". Ang alam ko kasi ginagamit din ito na pang "flirt"?(ahihi i love the word) pero hindi ko pa kasi nasusubukan yung poke button. No poke since birth to! parang ang sagwa nung pagkakasabi ko pero masubukan nga mamaya baka sakaling may kumagat. Pero di ko alam kung makakarelate kayo dito.



Malamang yung nanay mo naka-add sayo sa FB. Ako rin eh. 

Pero isa pa siguro sa pinagmumulan ng gulo sa relasyon eh yung "tagging" ng mga pictures. Kaya boys ingat sa mga pinupuntahan at yung mga sinasama sa mga pinupuntahan.




Saturday, September 18, 2010

MAAKSIYON AT MAROMANSANG ARAW.


Lagi ang routine ko sa umaga pagbangon ko haharap agad ako sa computer, hindi po yung magkakamot ng singit.


Porn ka diyan! hindi ah! busilak ang aking pag-iisip sa mga makamundong mga bagay na ganyan! sometimes lang...

These days kasi every morning nagpapatugtug ako ng justin beaver, sumasabay sa kanta habang nambubulahaw sa kapitbahay hanggang sa mapuno sila. Yun kasing mura nilang kasing lulutong ng chicharon eh "music to my ears" talaga. I love my neighbors. 

Eh na-bluescreen bigla! nasa rurok pa naman ako ng kaligayan... sa pagkanta.

So no choice ako kasi corrupted na yung very hard disk ko, so punta ako town para magpaayos. Pagsakay ko ng jeep nakarinig agad ako ng parang may naghaharutan. Si manong driver humahagikgik sa landi! may kalambunchingan sa telepon!





Bigla siyang napapreno at muntik na siyang makahagip ng FX. Sa sobrang lakas ng preno muntik na akong mag-rollover mala action star.



One thing na hindi ko inaasahan talaga eh nung tanghaling yun napadaan ako sa isang beauty parlor, for the very first in my life, nasipulan ako. 










Hind ko na kailangan magpa-straight kasi dumiretso na lahat ng buhok ko sa katawan. Hindi naman ako na-offend in any way, plano ko pa nga sana makipaghabulan. 

Your Ad Here