At hindi din po ako nakidnap ayun sa tsismis.
At lalong wala po akong utang at walang naghahabol na kinautangan ko
At sa nagtanong kung sawa na ba ako sa pagiging ako, it's not true. Nilasahan ko ang sarili ko kanina at sa kasawiang palad masarap pa rin ako ayon sa panlasa ko.
Pasensya na kayo mga friends at medyo napasubo kasi ako sa mga maraming gawain kaya di ako masyadong nakakapagonline.
kumain
Matulog habang kumakain.
Pagkatapos pumunta ako ng Ilocos para sa reunion namin. Eh walang internet,wala ring signal. Umakyat ako ng Tirad Pass para makakuha ng signal.
Tapos Nagroll-over na lang ako pababa para mabilis.
Tapos umuwi ulit ako ng Baguio at sumakay ng jeep. Alam mo ang awkward kapag kayo lang ni manong driver ang nakasakay sa jeep at wala ni isa ang sumasakay.
Syempre mas nakakarimarim kapag tatlo lang kayong lalake ang nakasakay sa jeep.
Pre, hindi ko pa nakakalimutan yung utang ko sayo. Yan ramdam nyo na ba ako?