Noon pa talaga ako curious kung saan nanggaling yung paniniwalang kapag umuulan tapos maaraw eh may kinakasal daw na tikbalang at white lady. Eh mas curious naman ako kung paano nagaganap ang wedding ceremony.
Isang linggo na akong may sakit at maya't maya siguro oras nanaman para magpunta ako sa paborito kong pasyalan, ang ospital. Sa kung anumang lagay ko ngayon hindi ko na isasalaysay, dahil ok naman ako, pero isa sa mga problema ko ngayon eh ang boses ko. Parang lalakeng teenager na dumaan sa puberty ng anim na beses o kaya taong nasobrahan sa kakasigaw ng darna!
Sa kabuuan hindi na talaga ako makapagsalita't nawala na ng tuluyan ang aking boses. So hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin ng klaro sa doktor kung ano man ang masakit sa akin. Naisip ko gumamit kaya ako ng sign language? O kaya hindi nalang "charade" para mas enjoy.
Ganyan lang kapag nilalagnat, nahihibang at kung ano ano naiisip. Well siguro kulang lang ako sa lambing.